Puspusan ang pagtatrabaho ng mga tracks technician ng MRT-3 matapos ang revenue hours para sa maintenance activities sa mainline.
Nagsasagawa ng pag-ta-tamping ng tracks ang mga kawani gamit ang multi-tie tamping machine.
Sa tamping, itinatama ang track geometry alignment sa pamamagitan ng maingat na pag-a-adjust ng ballast o ng mga bato sa ilalim ng ilang bahagi ng tracks.
Ito ay upang masigurado ang matatag na pundasyon ng mga tracks na araw-araw na dinaraanan ng mga tren.
Mahalaga ang nasabing aktibidad para sa ligtas, mabilis, at iwas-tagtag na biyahe ng mga tren.