
Namahagi ang pamunuan ng MRT-3 ng mga rosas at tokens sa mga kababaihang empleyado nito bilang parangal ngayong Women's Month.
Suot ang kasuotang kulay purple, masayang nakisayaw din ang mga kababaihan sa ginanap na zumba at health and wellness activity.
Muling ilulunsad ang zumba at health and wellness activity sa bawat Miyerkules ng buwan ng Marso, ganoon din ang free film-showing para sa mga kababaihan sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Team ng MRT-3.
Ang nasabing mga aktibidad ay bilang pagkilala at pasasalamat ng linya sa kagalingan at kakayahan ng mga empleyadong kababaihan.