Mga beterano, nakatanggap ng isang linggong sakay sa MRT-3

Naghandog ang MRT-3 ng ISANG LINGGONG LIBRENG SAKAY para sa mga beterano at isa nilang companion o kasama, Abril 5-11.

Ito ay bilang pakikiisa ng linya sa pagdiriwang ng ika-83 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans' Week.

Nagpakita lamang ang mga beterano ng valid Identification Card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa security personnel ng mga istasyon.

"Kinilala ng MRT-3 ang dakilang sakripisyo at kontribusyon ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ating bansa. Kaya naman po gaya noong mga nakaraang taon, nais muli nating pagpugayan at pasalamatan ang ating mga beterano sa darating na Philippine Veterans Week. Handog ng MRT-3 ang isang linggong libreng sakay sa kanila at isa nilang companion," sabi ni MRT-3 General Manager Michael J. Capati.

Libreng nakasakay ang mga beterano at kanilang kasama sa buong oras ng operasyon ng MRT-3, mula 4:30 am hanggang 10:30 pm sa North Avenue Station, at mula 5:05 am hanggang 11:09 pm sa Taft Avenue Station sa nabanggit na mga araw.

490045911_970900351882832_9034733056158547504_n.jpg 489827515_970900348549499_6071439564615435631_n.jpg 487731852_964801589159375_535312329157783125_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3