Dumating na sa MRT-3 depot ang panibagong supply ng rolling stock materials, na ginagamit sa pagmimintina ng mga tren.
Kabilang sa mga piyesang dumating ang mga electronic components, gearbox, at aircon spare parts.
Tiniyak ng mga technical personnel ng MRT-3 na nasa maayos na kondisyon at tamang specifications ang nasabing mga kagamitan.