LIBRENG SAKAY sa MRT-3, handog ng Pangulo bilang pamasko sa mga pasahero

Maagang pamasko mula sa Pangulo! 🎄

Nagpatupad ng LIBRENG SAKAY sa MRT-3 noong Disyembre 20, bilang maagang pamasko ng Pangulo para sa mga pasahero.

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-atas sa Office of the Deputy Executive Secretary for Finance and Administration (ODESFA) na magbigay ng pondo sa DOTr at Light Rail Transit Authority para sa libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Personal na inikot ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon ang mga istasyon upang tiyakin ang maayos na daloy ng serbisyo at personal ding batiin ang mga pasahero.

Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko. Layon din nitong magdulot ng ginhawa at maramdaman ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong Kapaskuhan.

470759809_891441109828757_4469378894173086528_n.jpg 470683514_891440999828768_470144936070256128_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3