Nag-courtesy visit ang ilang kinatawan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa MRT-3 depot, Enero 31.
Mainit na sinalubong ni MRT-3 Director for Operations Oscar B. Bongon at ng mga kinatawan ng DOTr Project Management Office ang mga delegado na pinangungunahan ni Director of Transportation Group-JICA Infrastructure Department Shimada Aya.
Matapos ang courtesy call, nagsagawa ng site visit sa iba-ibang pasilidad ng Common Station sa North Avenue ang mga bisita.
Sinamahan sila ng mga engineer at technical personnel ng Common Station Project.
#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead