
Sinimulan ni General Manager (GM) Michael J. Capati ang unang araw ng Abril sa pag-iinspeksiyon sa buong linya ng MRT-3.
Inisa-isa ni GM Capati ang mga istasyon simula sa North Avenue Station upang tingnan ang lagay ng mga pasilidad, kabilang ang mga escalator, elevator, comfort rooms, at iba pa.
Binisita rin ni GM Capati ang mga footbridge sa Taft Avenue Station, kung saan isinagawa kamakailan ang clearing operations upang alisin ang mga nagtitinda sa mga daanan ng pasahero.
"Mahalaga po na alam natin ang sitwasyon sa ground para makapagbigay rin po tayo ng angkop na solusyon sa mga concerns ng ating mga pasahero. Hinihikayat din po natin ang mga pasahero ng MRT-3 na kapag mayroon po silang nakikitang anumang isyu ay ipagbigay-alam lamang din po sa amin. Sa ganitong paraan po, matitiyak natin na natutugunan natin ang pangangailangan ng ating mga pasahero. Ito po ang kabilin-bilinan ng ating Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Vince Dizon," sabi ni GM Capati.