Sumailalim sa dalawang araw na workshop ang mga kawani ng MRT-3 para sa pagtitiyak na nakaayon ang training program ng linya sa mga kasalukuyang gender and development requirements.
Tampok bilang resource speaker si Atty. Mylen B. Gonzales-Esquivel, na isang Gender Resource Program expert ng Philippine Commission on Women.
"Kinikilala po ng MRT-3 ang kahalagahan ng pagsasaayon ng ating mga programa sa mga kasalukuyang standards lalo na patungkol sa gender and development. Ito po ay bahagi ng aming layunin na makapabigay ng maaasahang serbisyo para sa lahat ng pasahero, anuman ang kasarian," sabi ni MRT-3 General Manager Engr. Oscar B. Bongon.
Ang aktibidad ay sa pangangasiwa ng Gender and Development Committee ng MRT-3.