TINGNAN: Nakiisa ang mga empleyado ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa isinagawang 3rd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Setyembre 7.
Sa pagsisimula ng NSED, naki-duck, cover, and hold ang mga empleyado sa depot, at mabilis na kumilos patungo sa designated evacuation area.
Bahagi ang pagsali sa NSED ng mga regular na aktibidad ng MRT-3 upang masiguro na handa at may wastong kaalaman ang mga empleyado sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng lindol.
#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead