Dalawang station supervisors ang kinilala ng pamunuan ng MRT-3 dahil sa kanilang magandang gawi sa ginanap na flag-raising ceremony sa depot noong Oktubre 7.
Nagbigay-daan sina Eric Cecilio at Nestor Real, pawang mga station supervisors, sa pagkakasauli ng pitaka na naglalaman ng mahahalagang items sa may-aring pasahero na nakaiwan nito sa istasyon.
"Inyong ipinamalas ang kahandaan sa pagbibigay-serbisyo, na nagbigay-daan upang agarang malutas ang insidente. Nawa'y patuloy ninyong isabuhay ang mataas na inisyatibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga pasahero, para mabigyan sila ng maayos na serbisyo," sabi ni MRT-3 General Manager Oscar B. Bongon.