Humanga ang Ambassador ng Czech Republic, H.E. Karel Hejč, sa sistema ng pagmimintina ng MRT-3, lalo na sa mga tren nito na gawa sa Czech Republic, ang CKD Tatra trains, Pebrero 12.
Ito ay kasunod ng kanyang courtesy visit at tour sa depot complex, kung saan malugod siyang tinanggap nina Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC Jorjette B. Aquino at Director for Operations Oscar B. Bongon.
Lubos na ikinatuwa ni Amb. Hejč ang patuloy na epektibong kooperasyon ng MRT-3 at Czech Republic, pati na rin ng bansang Japan, sa pagpapanatili ng isa sa aniya'y pinakamahalagang proyekto na pampublikong transportasyon sa bansa.
"I'm very impressed not only with the level of organization and the attention to details, but also with the effectiveness of the maintenance, which is naturally important to keeping the city (Metro Manila) moving. As a distant observer, I cannot be more impressed and thankful for this cooperation that has benefitted and continues to benefit Filipinos," sabi ni Amb. Hejč.
Nagpasalamat naman si Asec. Aquino sa suporta ng Czech Republic, lalo na sa supply ng mga spare parts na galing sa kanilang bansa.
"We are very thankful to the Czech Republic, through SKD Trade, our private contractor, and Sumitomo Corporation, our maintenance provider, for enabling the timely and sufficient delivery of spare parts for our trains. Your assistance has been instrumental in ensuring the continuous operation of MRT-3 trains over the past 25 years, providing safe and efficient transportation for the Filipino commuting public," saad ni Asec. Aquino.
Kasama ni Amb. Hejč sa kanyang pagbisita sina Czech Republic Third Secretary, Economic, Trade, and Defense Relations Maroš Guoth, at mga kinatawan ng Sumitomo Corporation at SKD Trade.
#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead