Bagong wheel lathe machine, sumailalim sa functional testing

Naging matagumpay ang functional testing ng mga kawani ng MRT-3 sa panibagong vertical wheel lathe machine ng MRT-3, na ginagamit sa pagmimintina ng mga gulong.

Dahil sa araw-araw na paggamit, hindi maiiwasan na magkaroon ng wear ang mga gulong ng tren. Ginagawa ang wheel truing o profiling gamit ang wheel lathe machine para mapakinis at mapantay ang kapal ng mga gulong.

Sa kasalukuyan, mayroon nang dalawang units ng wheel lathe machine ang MRT-3, na makatutulong sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng mga gulong, para sa maayos, ligtas, at iwas-tagtag na biyahe ng mga tren.

480323911_934284492211085_8991293242178547406_n.jpg 480579913_934284678877733_3178062523829680342_n.jpg 480359500_934284448877756_1264953300377488310_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3