Bagong DC equipment, dumating na sa MRT-3

Dumating na sa MRT-3 depot ang mga bagong Direct Current (DC) equipment na ipapalit sa mga lumang unit sa Guadalupe substation at GMA-Kamuning substation.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtitiyak na maayos ang kondisyon ng lahat ng bahagi ng linya, lalo na ang mga kritikal na power equipment, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na siguruhing ligtas at maayos ang biyahe ng mga pasahero.

Kasama sa mga dumating na DC equipment ang bagong rectifier, DC switch gear, negative panel, at iba pa.

Ang mga ito ang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren sa linya.

499250241_998489112457289_2861697708221650688_n.jpg 498698046_998489292457271_3019724451623164902_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3