Mabusising iniinspeksyon ng mga kawani ng MRT-3 ang mga bagong dating na spare parts ng tren sa depot ngayong buwan ng Mayo.
Kasama sa mga bagong kagamitan na dumating ang spare parts ng pantograph, air conditioning units (ACUs), at mga mechanical at electronic spare parts.
Sinisigurado ng mga kawani ng linya ang maayos na kondisyon at tamang specifications ng train spare parts.
Mahalaga ito para sa maayos, ligtas, at napapanahong pagmimintina ng mga tren ng MRT-3.