Naging matagumpay ang isinagawang functional testing ng mga kawani ng MRT-3 sa bagong damper testing machine sa depot.
Magagamit na ang bagong equipment sa pag-test ng performance ng dampers o shock absorbers na bahagi ng mga bagon.
Binabawasan ng dampers ang contact friction sa pagitan ng gulong at riles, dahilan upang mabawasan din ang track wear at ang pagmimintinang kailangang gawin sa gulong ng mga tren.
Dahil sa damper testing machine, malalaman kung sapat pa ang performance ng mga damper o kailangan nang palitan.
Makatutulong ang equipment na ito sa pagtitiyak ng maayos, komportable, at episyenteng biyahe ng mga tren.