May mga police outpost o police assistance desk sa mga istasyon ng MRT-3 na maaaring lapitan ng mga pasahero para sa anumang security concern.
Mayroon ding nagpapatrolya na mga pulis at security personnel ng MRT-3 upang mamintina ang seguridad sa linya.
Pinapayuhan ang mga pasahero na palaging maging alerto at ipagbigay-alam lamang sa mga police outpost o security personnel ng MRT-3 ang anumang kahina-hinalang bagay na kanilang mamamataan.
Katuwang ang ating mga uniformed personnel, handang umagapay ang mga kawani ng MRT-3 sa mga pasahero para matiyak ang maayos, ligtas, at komportableng biyahe araw-araw.