Nag-inspeksyon ang mga kawani ng MRT-3 sa mga fire protection systems ng linya ngayong ikalawang linggo ng Marso, na tinagurian ding Fire Prevention Month.
Tiniyak ng mga kawani na nasa maayos na kondisyon ang mga fire extinguishers sa depot powerhouse, gayundin ang mga kagamitan sa fire pump house.
Mahalaga ang regular na pag-inspeksyon at pag-functional testing ng fire protection systems upang matiyak na handa ang linya magkaroon man ng hindi inaasahang sunog.