ABANTE, BABAE: Mga kababaihang lider ng MRT-3, pinarangalan!

Apat na kababaihan mula sa linya ng MRT-3 ang pinarangalan bilang "Women Leaders of the Rail Sector," noong Women's Day, Marso 8, sa LRT-2 Depot, Pasay City.

Tinanggap ni MRT-3 Officer-in-Charge at Transport Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino ang karangalan, kasama sina Station Division Chief Roda B. Espejo, Support Division Chief at MRT-3 GAD Focal Point Ofelia D. Astrera, at Support Division Supervising Transportation Development Officer at GAD TWG Head Ranea Moreno.

Ang programa ay inorganisa ng LRTA at DOTr Rail Sector upang kilalanin ang angking galing ng mga kababaihan na mamuno gayundin ang kanilang ambag sa pagsulong ng sektor ng riles.

"Maraming salamat po sa pagkilalang ito sa mga kababaihang lider po ng MRT-3. Tunay nga po na kayang-kaya ng mga Juana na magtagumpay sa anumang larangan. Makaaasa po kayo na magiging inspirasyon po namin ito upang patuloy na ibigay ang aming buong kakayahan sa pagsulong ng sektor ng riles at paghahatid ng maayos, ligtas, at maaasahang transportasyon sa mga pasahero," saad ni Asec. Aquino.

429780160_710073584632178_8557410800895491691_n.jpg 431963939_710073551298848_8075748070031945129_n.jpg 430216217_710073571298846_210204768931576331_n.jpg

#WEcanbeEquaALL #PurpleFridays2024 #DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3