Matagumpay ang isinagawang bomb threat handling training ng MRT-3 sa depot para sa mga kawani nito, Oktubre 7.
Layon ng aktibidad na pataasin ang antas ng kamalayan ng mga empleyado ng linya sa safety and security partikular sa wastong paraan ng pagrespunde sa mga report ng bomb threat.
Ang pagsasanay na tinaguriang "Project ABKD: Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroy Properties" ay naging posible sa pakikipagtulungan ng linya sa PNP Regional Explosives Ordnance Disposal (EOD) and Canine Unit-NCR.
"Pinasasalamatan po natin ang PNP RECU sa kanilang pagpapaunlak sa ating paanyaya na magsagawa ng training sa ating mga empleyado. Napakahalaga po ng aktibidad na ito upang sanayin ang ating mga kawani sa tamang paghandle ng bomb threat scenarios. Ang anumang kaso po ng security concern gaya ng bomb threat ay seryosong binibigyang-pansin ng MRT-3," sabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.
#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas