MRT-3 handa na sa Oplan Biyaheng Ayos: Barangay & SK Elections at Undas 2023

Mas pinaigting na ang seguridad sa buong linya ng MRT-3 bilang paghahanda sa darating na Barangay at SK Elections at paggunita ng Undas.

Ito ay sang-ayon sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na siguruhing sapat at ligtas ang pampublikong transportasyon sa eleksyon sa Oktubre 30 at sa panahon ng Undas.

"Sinimulan na po natin ang pagpapairal ng mas mahigpit na seguridad sa MRT-3 upang matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas na biyahe ng mga pasahero sa eleksyon at Undas. Gayundin po, mayroon po tayong sapat na bilang ng mga kawani na handang umagapay sa mga pasahero at aksyunan ang kanilang mga hinaing kung kinakailangan," saad ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

"Tuloy-tuloy rin po ang maayos na pangangalaga ng ating mga bagon at ang pagde-deploy ng sapat na bilang ng mga tren upang mapagserbisyuhan ang mga pasahero lalo na sa kasagsagan ng barangay at SK elections at Undas," dagdag pa ni Asec. Aquino. Sa kasalukuyan, mayroong 18 train sets na tumatakbo sa revenue tuwing peak hours at nasa tatlo hanggang apat naman ang spare trains.

#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3