71 sa 72 bagon ng MRT-3, tapos nang ma-overhaul!

Isa (1) na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang hinihintay na matapos ma-overhaul ng Sumitomo-MHI-TESP, ang maintenance provider ng MRT-3.

Sa pangkabuuan, 71 sa 72 bagon ng MRT-3 ang na-overhaul na at matagumpay na na-deploy sa mainline ang mga ito, kasama na ang pinakahuling isang bagon na na-overahul at na-deploy nitong ika-7 ng Enero 2023.

Bago i-deploy ang mga na-overhaul na bagon, ang mga ito ay sumailalim sa serye ng quality at safety checks upang matiyak na ligtas ibiyahe sa mainline. Ang overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng maintenance program upang maibalik ang dating maayos na kondisyon ng mga ito.

Nasa 14 train sets ang bumabiyahe sa linya, at umaabot naman hanggang 18 train sets ang tumatakbo tuwing peak hours. Ang isang train set ay binubuo ng tatlong (3) bagon. Patuloy rin ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols sa buong linya, lalo na sa loob ng tren, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasama dito ang (1) laging pagsuot ng face mask, (2) pagbawal sa pagsasalita at pakikipag-usap sa telepono, (3) pagbawal na kumain at uminom, (3) pagpanatili ng maayos at sapat na ventilation sa mga PUV (5) laging pagsagawa ng disinfection, (6) pagbawal pagsakay ng mga pasaherong may sintomas ng COVID-19, at (7) pagsunod sa appropriate physical distancing.

#DOTrPH #DOTrMRT3 #SulongMRT3

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3