Please take a moment to answer this survey form by rating your satisfaction level

57,969 mga estudyanteng nagbenepisyo sa 20% fare discount ng MRT-3

Umabot 57,969 estudyante ang nagbenepisyo sa 20% fare discount ng MRT-3 mula unang araw ng pagbubukas ng face-to-face classes noong 2022, ika-22 ng Agosto, hanggang katapusan ng taon, 31 Disyembre.

May kabuuang 3,492 estudyanteng pasahero ang nakakuha ng diskwento noong Agosto 2022; 13,411 noong Setyembre 2022; at 15,983 noong Oktubre 2022, ang pinakamalaking bilang na naitala sa buong taon.

Mayroon namang 14,143 estudyanteng pasahero ang nakatanggap ng diskwento noong Nobyembre 2022 at 10,940 noong Disyembre 2022.

Nakapagtala ang MRT-3 ng kabuuang 98,330,683 pasahero sa buong taon ng 2022, doble sa naitalang bilang ng mga pasahero noong 2021 na may kabuuang 45,691,914, at 2020 na may kabuuang 31,887,174.

Tuloy-tuloy naman ang pagpapatupad ng MRT-3 ng 20% fare discount para sa lahat ng mga estudyante. Kailangan lamang na magpakita ng estudyanteng pasahero ng valid student ID o kaya ay registration form sa ticketing booth sa pagbili ng Single Journey Ticket sa lahat ng mga istasyon.

#DOTrPH #DOTrMRT3 #SulongMRT3

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3