Student beep cards na may 50% discount, inilunsad ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsand ng student beep cards na may automatic na 50% discount sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Makukuha na rin on-the-spot ng mga estudyante, senior citizen, at persons with disability (PWD) ang kanilang white beep cards sa lahat ng 51 istasyon ng train lines simula ngayong araw, September 20. Sinabi ng Pangulo na matapos ang on-the-spot printing, pwede na agad magamit ang 50% discount ng priority passengers pag-tap nila ng kanilang beep cards.

"Ang processing pinabilis. Ngayon 3 minutes na lang. After printing, magagamit na nila yan (white beep card). Sabi ko sa mga estudyante, wala na kayong excuse na maging late," pahayag ng Pangulo sa launch sa LRT-2 Legarda Station.

"Pagpapatuloy ito ng pag-modernize natin sa ating sistema para naman ang lahat ng sumasakay sa pampublikong transportasyon ay mapagaan naman ang kanilang pagsakay sa kanilang pupuntahan," dagdag ng Pangulo.

Ayon naman kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang kumbinyente, mabilis, at mas abot-kayang biyahe ng mga estudyante, seniors, at PWDs. Sa ngayon, nasa tatlo hanggang limang minuto na lang ang pagproseso sa white beep cards, kumpara sa dating pito hanggang sampung araw.

Plano rin ng DOTr na magsagawa ng school caravans simula sa October, habang pinag-aaralan din ang online application portal para mas mapadali ang pagkuha ng white beep cards.

"We are finally launching white beep card kung saan magkakaroon ng automatic 50% discount. Ang kagandahan dito, on-the-spot na ang printing. It will just take 3 to 5 minutes at magagamit ang beep card na ito sa lahat ng riles," ani Acting Secretary Lopez.

"Kaya nating umabot ng 400,000 students kada araw ang makinabang, hindi pa natin binibilang ang mga PWD at senior citizens," dagdag ng Acting transport chief.

Tiniyak din ni Acting Secretary Lopez na hindi madu-duplicate ang white beep cards dahil sa system o database na unified sa tatlong linya ng tren.

Nagpasalamat naman sa Pangulo ang estudyanteng si Archelle Ruiz Enriquez ng Centro Escolar University dahil nakakuha na agad siya ng white beep card na makatutulong para makatipid siya sa pamasahe. "Maraming salamat po Pangulo kasi on-the-spot na naming nakuha 'yung aming student beep card. Ito po ay makakatulong sa araw-araw naming pagpasok sa eskwelahan," ani Enrique.

Para sa mga nais mag-avail ng white beep cards, maaari nang pumunta sa kahit anong istasyon ng tren, at i-presenta lamang ang mga requirements tulad ng student ID o enrollment certificate, senior citizen ID at PWD ID.

Maghanda na rin ng 30 pesos na one-time payment para sa beep cards.

Mula 10AM hanggang 10PM ang on-the-spot printing ngayong Sabado, habang simula September 21 ay 5AM hanggang 10 PM ang schedule tuwing Sabado at Linggo, at 8AM naman hanggang 5PM ang printing mula Lunes hanggang Biyernes.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3