Pinakamataas na bilang ng mga pasahero, naitala ng MRT-3

Naitala ng MRT-3 ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero noong Miyerkules, Agosto 20, 2025, na umabot sa 500,703.

Ito ang bagong pandemic-high record ng linya o pinakamataas na bilang ng pasahero simula pandemya.

Bago ito, ang pinakamataas na bilang ay 481,156 na naiulat noong Abril 30, 2025.

Ang bagong record ay tumapat sa araw ng Libreng Sakay para sa mga pasaherong may National ID, na ipinatutupad tuwing Miyerkules ngayong buwan ng Agosto.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3