Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025, ipatutupad ng MRT-3

Itataas ng MRT-3 sa heightened alert ang seguridad ng linya mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4, upang mapanatiling ligtas ang biyahe ng mga pasahero sa darating na Undas.

Ito ay sang-ayon sa utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr kay Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez na siguruhing ligtas, maayos, at komportable ang biyahe ng mga pasaherong inaasahang magsisiuwian sa mga probinsya para sa paggunita ng okasyon.

May mga security at station personnel na idedeploy upang umantabay at tumugon sa anumang pangangailangan ng mga pasahero.

Tuloy-tuloy din ang koordinasyon sa PNP para sa mga police assistance desks sa mga istasyon.

Mayroon ding sapat na mga tren na ide-deploy kabilang ang mga 4-car at 3-car trains upang masiguro ang komportableng biyahe ng mga pasahero.

Regular weekday at weekend operating hours ding ang ipapatupad upang patuloy na makapagserbisyo sa mga pasaherong magsisiuwian para sa okasyon.

Ang unang biyahe ng tren ay 4:30 a.m. sa North Avenue Station at 5:05 a.m. naman sa Taft Avenue Station.

Para naman sa huling biyahe, ito ay 10:30 p.m. sa North Avenue Station, at 11:09 p.m. sa Taft Avenue Station sa October 31; at 9:30 p.m. sa North Avenue Station at 10:09 p.m. sa Taft Avenue Station sa November 1-2.

MRT-3 Operating Hours (1).png MRT-3 Operating Hours.png

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3