
Kasalukuyang nagsasagawa ng free computerized eye examination para sa mga kawani ng MRT-3 ngayong araw, Agosto 8, bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng linya.
Layon ng inisyatiba na mas mapangalagaan ang kalusugan ng mata at pangkalahatang kalusugan ng mga empleyado, upang mas maayos din silang makapaglingkod sa publiko.
Ang aktibidad ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng linya sa isang partner optical clinic.

