
Umabot sa 125,245 ang kabuuang bilang ng nagbenepisyo sa Libreng Sakay ng MRT-3 para sa mga pasaherong may National ID sa lahat ng Miyerkules nitong buwan ng Agosto.
Mayroong 25,173 pasahero ang nakakuha ng Libreng Sakay mula 9:00am hanggang 11:00am at mula 6:00pm hanggang 8:00pm noong Agosto 6; 31,220 noong Agosto 13; 33,226 noong Agosto 20; at 36,626 kahapon, Agosto 27.
Naitala rin ng MRT-3 ang pinakamataas na kabuuang bilang ng pasahero noong Agosto 20, na umabot sa 500,703.
Nagpakita lamang ng kanilang National ID ang mga pasahero, na valid sa kahit anong format (physical card, printed paper, o digital version).
