
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga empleyado ng MRT-3 bilang pakikiisa sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Setyembre 11.
Ang paglahok sa NSED at iba pang emergency drills ay bahagi ng mga regular na aktibidad ng linya upang maging handa ang mga empleyado sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng lindol.

