
Naghandog ng Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno mula Setyembre 18-19, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Nakakuha ng Libreng Sakay ang mga kawani ng gobyerno sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nasabing dalawang araw. Kinailangan lamang nilang magpakita ng government employee ID sa service gate personnel sa mga istasyon.
Ang inisyatiba ay sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na maghatid ng maaasahan at abot-kayang transportasyon at kilalanin ang mahalagang papel ng mga kawani ng gobyerno.
“Lubos na nakikiisa ang MRT-3 sa pagdiriwang ng Araw ng mga Lingkod-Bayan. Sa pamamagitan ng aming Libreng Sakay, hangad naming maipadama ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Nawa’y maghatid ito ng kaunting ginhawa at kasiyahan para sa kanila,” sabi ni General Manager Michael J. Capati.
Ang unang biyahe mula sa North Avenue Station ay 4:30 ng umaga at 5:05 am naman mula sa Taft Avenue Station.
Samantala, ang huling biyahe ay 10:30 pm sa North Avenue Station at 11:09 pm naman sa Taft Avenue Station.

