Higit 600-K komyuter, naserbisyuhan ng libreng sakay ni PBBM sa MRT-3

Umabot sa 687,494 ang kabuuang bilang ng mga pasahero na naserbisyuhan ng Department of Transportation (DOTr) Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa katatapos lamang na dalawang araw na libreng sakay na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng bagyong Uwan.

Sa unang araw ng naturang libreng sakay nitong Nobyembre 10 ay umabot sa 222,007 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng naturang serbisyo.

Pumalo naman sa 465,487 ang mga pasaherong nakasakay ng libre sa DOTr MRT-3 sa ikalawang araw nito.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3