
Para sa mas maayos na pila at mas mabilis na proseso, maglalagay tayo ng 100 white beep cards kada istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 simula September 22, Lunes.
Ito’y habang patuloy na inaayos ng AF Payments Inc. (AFPI) ang supply ng white beep cards, para tuloy-tuloy din ang dating nito sa lahat ng istasyon ng tren.
Magkakaroon ng queuing number system sa bawat istasyon, on a first come-first served basis. Magsisimula ang pagproseso sa mga aplikante tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8AM hanggang 5PM, o hanggang sa maubos ang 100 white beep cards sa istasyon.
Sakaling hindi umabot sa pila, maaaring magtanong sa station supervisor kung saan istasyon pa may available na white beep cards. Sa LRT-2 at MRT-3, pwedeng sumakay nang libre sa tren para makalipat ng istasyon kung saan kayo mag-aapply.
Maglalabas ng anunsyo ang DOTr at train line operators kung may pagbabago sa ating schedule sa mga susunod na araw.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pang-unawa.
