
Sumakay ng MRT-3 Setyembre 3, ang mga miyembro ng Alas Pilipinas upang pangunahan ang paglulunsad ng espesyal na tren na may FIVB-themed wrap.
Layon ng proyektong ito na hikayatin ang publiko na suportahan ang mga atleta sa nalalapit na Volleyball Men’s World Championship, kung saan ang Pilipinas ang magiging host country ngayong taon.
Ang aktibidad ay bilang pakikipagtulungan ng MRT-3 sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at pagpapakita ng suporta sa ating mga atleta.

