
Inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na available na sa susunod na linggo ang karagdagang 300,000 regular beep cards para sa mga pasahero ng tren.
Ipinag-utos ng Pangulo na resolbahin ang shortage ng Beep Cards para hindi masayang ang oras at mahirapan ang mga pasahero sa MRT-3, LRT- at LRT-2.
“By next week, wala na tayong shortage ng Beep Cards. Beep Card will be completing a delivery of 300,000 additional cards across MRT-3, LRT-1 at LRT-2. ‘Yun ang na-compute nating shortage,” ayon kay Secretary Dizon. Binalaan naman ng kalihim ang mga sindikato na nagho-hoard ng Beep Card at ibine-benta sa halagang P300 kada piraso.
“Mayroong mga sindikato na namimili sa mga istasyon. We are coordinating with the PNP and SAICT. Babantayan namin ‘yung bawat istasyon para mahuli itong mga loko-lokong ito. Papahuli at ipapakulong natin sila,” ani Secretary Dizon.
Dagdag pa niya, makikipag-usap ang Department of Transportation (DOTr) sa mga online selling platforms upang ipasara ang mga grupo na nagbebenta online ng Beep Cards.
