We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
​UNBOXING TIME!

By King Al Mendoza on April 30, 2021 under News

May be an image of indoor

Masusing iniinspeksiyon ng mga kawani ng MRT-3 ang 20 kahon ng mga bagong dating na electrical wires sa depot nito, kahapon, ika-29 ng Abril 2021.

Sinusuri ang mga ito kung nasa tamang specification ang mga natanggap na items, na nagmula sa bansang Czech Republic. Ginagamit ang mga electrical wires sa pagpapaandar ng mga CKD trains ng MRT-3.

Ang procurement ng nasabing mga materyales at iba pang spare parts para sa mga tren ay ginawa ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP mula sa bansang Japan.

Bukod sa pagbili ng mga komponent para sa mga tren, tuloy-tuloy rin ang upgrading ng mga equipment at facilities sa Depot, na ginagamit naman sa overhauling at maintenance activities ng mga bagon at train sets.