We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: TULOY-TULOY ANG PAGLALAGAY NG MGA BAGONG TURNOUT SA PAGITAN NG MGA ISTASYON NG NORTH AVENUE AT QUEZON AVENUE

By King Al Mendoza on March 31, 2021 under News

May be an image of one or more people

TINGNAN: Tuloy-tuloy ang paglalagay ng mga bagong turnout sa pagitan ng mga istasyon ng North Avenue at Quezon Avenue ngayon, ika-31 ng Marso 2021, ikalawang araw ng Holy Week maintenance at rehabilitation activities sa linya.

Mula kahapon, nakapagpalit na ang pamunuan ng MRT-3 ng tatlo (3) sa natitirang anim (6) na turnouts sa nasabing mga istasyon, na naka-iskedyul tapusin sa mga susunod na araw ng Holy Week maintenance, upang maging 100% newly replaced na ang turnouts sa main line.

Ang mga turnouts ay kritikal na bahagi ng isang railway track at ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Matatandaang noong Disyembre 2020 natapos palitan ng bago ng pamunuan ng MRT-3 ang riles sa buong main line, at gayundin ang pagpapalit ng mga critical turnouts, na naging-daan upang maiakyat ng linya sa 60kph ang bilis ng mga tren nito.

Ang pagpapalit ng mga lumang turnouts at riles sa buong linya ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng rail line sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

Magbabalik-operasyon ang MRT-3 sa ika-5 ng Abril 2021.