We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: TULOY-TULOY ANG OPERASYON NG MGA TREN NG MRT-3 NGAYONG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

By King Al Mendoza on August 09, 2021 under News

May be an image of one or more people and people standing

TINGNAN: Tuloy-tuloy ang operasyon ng mga tren ng MRT-3 ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ), kung saan mahigpit at istriktong ipinatutupad ang mga health and safety protocols sa buong linya laban sa sakit na COVID-19.

Pinamamahalaan ng mga platform at train marshal ang pagtitiyak na nasusunod ang appropriate social distancing sa pagitan ng mga pasahero, at pagbabawal kumain, uminom, magsalita, at tumawag sa telepono sa loob ng mga tren.

Bahagi ang mga ito ng "7 Commandments" sa Pampublikong Transportasyon, na batay sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang pinahihintulutang makasakay ng tren, na kinakailangang iprisinta ang alinman sa sumusunod na mga Identification Cards: Certificate of Employment (COE) at isang valid o government-issued ID; o Professional Regulation Commission (PRC) ID; o company ID; o vaccination schedule. Ang mga APOR na makapagpapakita rin ng kanilang vaccination cards, para sa isa o dalawang doses man ng COVID-19 vaccine, ay makatatanggap ng libreng sakay.

Pinapaalalahan ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasahero na palaging sundin ang mga nabanggit na health and safety protocols para sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at kaligtasan at pati na rin ng kanilang kapwa pasahero.