TINGNAN: Tuloy ang overhauling at repair works sa mga Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon ng MRT-3 ngayong ikalawang araw ng Holy Week maintenance shutdown ng linya, ika-31 ng Marso 2021.Inumpisahan na ang interior cleaning ng mga bagon, gayundin ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga mahahalagang component gaya ng railway axel na siyang sumusuporta sa vehicle body at nagmimintina ng tamang posisyon ng mga gulong ng bagon.Kritikal na aktibidad ang regular na pagtitiyak ng safety at quality ng mga bagon bago ang pagtakbo ng mga ito sa main line, upang ligtas at secured din ang biyahe ng mga pasahero.Katuwang ng MRT-3 sa annual Holy Week maintenance at rehabilitation works ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.Matatapos ang Holy Week maintenance ng MRT-3 sa ika-4 ng Abril 2021 bago ang balik-operasyon ng linya sa ika-5 ng Abril 2021.