We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: SINIMULAN NA NG PAMUNUAN NG MRT-3 ANG PAGLALAGAY NG FIBER-REINFORCED FOAMED URETHANE SLEEPERS SA DEPOT TRACKS NG LINYA

By King Al Mendoza on July 08, 2021 under News

May be an image of one or more people and railroad

TINGNAN: SINIMULAN NA ng pamunuan ng MRT-3 ang paglalagay ng fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers sa depot tracks ng linya, bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon nito.

Pamalit ang FFU sleepers sa mga wooden sleepers sa depot tracks na naluma na ng panahon. Dahil synthetic, mas matagal ang lifespan ng materyal at less prone din sa weathering.

Ginagamit ang FFU sleepers na pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito, tulad ng switches, turnouts, at crossings. Natapos ang pagpapalit ng mga bagong turnout sa target na mga bahagi ng depot tracks noong ika-30 ng Hunyo 2021.

Nasa 581 piraso ng FFU sleepers na galing sa bansang Japan ang ilalagay sa tracks sa depot ng MRT-3, kung saan inilalagi ang mga tren ng linya.

Matatandaang nakompleto na ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya.

Sa puspusang rehabilitasyon naman ng riles sa depot ngayon, magagarantiya ang tuloy-tuloy at swabeng operasyon ng mga tren, mula main line hanggang depot.