We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: PUSPUSAN ANG ISINASAGAWANG CLEANING AT REPAINTING NG MGA VERTICAL DROP AT IBA PANG OVERHEAD CATENARY SYSTEM (OCS) EQUIPMENT

By King Al Mendoza on March 31, 2021 under News

No photo description available.

TINGNAN: PUSPUSAN ang isinasagawang cleaning at repainting ng mga vertical drop at iba pang Overhead Catenary System (OCS) equipment ng MRT-3 ngayon, ikalawang araw ng Holy Week maintenance shutdown ng linya, ika-31 ng Marso 2021.

Maingat na nililinis at pinipinturahan ang mga equipment, upang magarantiyang 100% safe at renovated ang OCS na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren ng linya.

Isinasagawa ang cleaning at repainting ng OCS equipment sa Guadalupe station, Buendia station, at Ayala station, ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

Bahagi ito ng annual Holy Week maintenance activities ng linya, na magtatagal hanggang ika-4 ng Abril 2021. Magbabalik-operasyon ang MRT-3 sa ika-5 ng Abril 2021.