We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: PINURI NI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE ANG NAGING MALAKING PAGBABAGO SA SERBISYO NG MRT-3

By King Al Mendoza on July 27, 2021 under News

May be an image of 1 person, standing and text that says 'MetroRail YELLO ÛPI " Now, MRT-3 no longer unloads passengers, but to their destinations. The waiting time between trains had been significantly reduced to 10 trains running at only 30 kilometers per hour before. Now, MRT-3 runs 23 trains at 60 kilometers per hour. President Rodrigo Roa Duterte ents and during State AANGULO address, #SONA2021 #PamanaNgPagbabago #PamanaNg #SulongMRT3 www.dotrmrt3.gov.ph'

TINGNAN: Pinuri ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging malaking pagbabago sa serbisyo ng MRT-3, mula sa pagiging malaking problema para sa mga pasahero patungo sa isa sa mga pinakaepektibong pampublikong transportasyon, sa kanyang ika-anim na State of the Nation Address (SONA) kahapon, ika-26 ng Hulyo 2021.

Ibinida ni Pangulong Duterte ang mas pinabilis na takbo at mas pinaraming bilang ng mga tren na tumatakbo sa linya ng MRT-3. Kung dati ay nasa 10 tren lang ang tumatakbo na mayroong bilis na 30kph, ngayon ay nakakapagpatakbo na ang rail line ng 23 trains na may bilis na 60kph. Bumaba na rin ang mga naitalang unloading incidents ng linya sa paglipas ng mga taon.

"The waiting time between trains had been significantly reduced to 10 trains running at only 30 kilometers per hour before. Now, MRT-3 runs 23 trains at 60 kilometers per hour. We have taken away the misery of public commuting," sabi ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa rito, umikli na rin ang oras sa pagitan ng mga tren o headway sa 3.5 minutes mula sa rating 9 minutes. Nabawasan na rin ang travel time mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station (vice versa) sa 50 minutes mula sa rating 1 hour at 15 minutes.

Nakapaglagay na rin ng mga bagong air-conditioned units sa lahat ng mga bagon ng tren at lahat ng 34 elevators at 46 escalators ay fully-operational.

Ang malaking pagbabago ng MRT-3 ay resulta ng komprehensibo at malawakang rehabilitasyon ng MRT-3, sa pamumuno ni DOTr Secretary Art Tugade.