We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: PINANGASIWAAN NG MGA MRT-3 TECHNICAL PERSONNEL ANG FUNCTIONAL PRACTICAL EXERCISES NG NASA 50 TRAINEES AT INSTRUCTORS MULA SA PHILIPPINE RAILWAYS INSTITUTE (PRI) SA MAHAHALAGANG AKTIBIDAD SA ARAW-ARAW NA OPERASYON NG RAIL LINE.

By King Al Mendoza on October 27, 2021 under News

May be an image of 3 people

Kabilang sa mga aktibidad ang actual observation ng preventive at corrective maintenance ng mga tren na ginagawa sa MRT-3 depot, gayundin ang actual demonstration ng mga rolling stock equipment.

Lumibot din sa iba't ibang substations ang mga PRI trainees kasama ang kanilang instructors upang bisitahin ang iba't ibang pasilidad at makilatis ang mga components ng railway building structures.

Ang training activities ay sang-ayon sa layunin ng pamunuan ng MRT-3 na isulong ang kolaborasyon sa mga ahensiya tungo sa mas ikauunlad ng teknolohiya at industriya ng railway sa bansa.