We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: ON TRACK SA TARGET NITONG 100% SIGNALING SYSTEM INSTALLATION NGAYONG ABRIL ANG PAMUNUAN NG MRT-3 SA PAGPAPATULOY NG REHABILITATION ACTIVITIES SA SIGNALING SYSTEM

By King Al Mendoza on March 31, 2021 under News

May be an image of standing and text that says 'FIRST E'

TINGNAN: On track sa target nitong 100% signaling system installation ngayong Abril ang pamunuan ng MRT-3 sa pagpapatuloy ng rehabilitation activities sa signaling system ngayong ikalawang araw ng Holy Week line maintenance, ika-31 ng Marso 2021.Ongoing ang installation ng mga kable mula wayside o area sa railway kung saan nakalagay ang iba't ibang signaling equipment, tungong signaling room sa mga istasyon ng Magallanes at Taft. Kasabay nito, ongoing din ang pagpapalit ng mga lumang local operating box (LOB) sa nasabing mga istasyon.Sa signaling room kinokontrol ang mga signaling equipment tulad ng tuning units, signal lights, point machines, at gayundin ang LOB.Ang tuning unit ay nakatutulong sa pagde-detect kung mayroong tren o wala sa isang track. Ang signal lights naman ang gumagabay sa mga train drivers kung pahihintuin o paaandarin na ang mga tren.Samantala, ang point machines ay ginagamit upang kontrolin ang turnouts o railroad switch samantalang ginagamit ang LOB upang masukat ang motor current at voltage, at gayundin upang makontrol ang mga point machine.Mahalaga ang lahat ng ito sa maayos na signaling ng isang railway system.Bahagi ang upgrading ng signaling equipment ng malawakang rehabilitasyon ng linya ng MRT-3, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.Magbabalik-operasyon ang linya sa ika-5 ng Abril 2021.