We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: NAGSAGAWA NG 2-DAY IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE (IED) AWARENESS SEMINAR ANG PAMUNUAN NG MRT-3 SA MGA KAWANI NITO, SA PAKIKIPAGTULUNGAN SA 1ST EOD COMPANY NG PHILIPPINE ARMY NOONG IKA-26 AT 27 NG OKTUBRE, 2021.

By King Al Mendoza on October 29, 2021 under News

May be an image of 1 person, standing and military uniform

Kabilang sa mga kawaning lumahok sa seminar ay mga security personnel, train driver, maintenance personnel, at station supervisors ng MRT-3. Mula naman sa Philippine Army ang nagsilbing training officer sa aktibidad.

Layon ng seminar na mapataas ang kaalaman ng mga empleyado hinggil sa mga dapat gawin kapag may namataang kahina-hinalang bagay o aparato sa anumang lugar sa MRT-3.

Samantala, may mga rumoronda rin sa depot at sa lahat ng istasyon na mga highly-trained K-9 units, mula sa security provider ng linya, at mula sa Philippine Coast Guard. Ito ay bilang dagdag-proteksyon at seguridad at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero at kawani ng rail line.