We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: NAGHANDOG NG PULANG MGA ROSAS ANG MRT-3 SA MGA INANG PASAHERO NITO NGAYONG MOTHER'S DAY

By King Al Mendoza on May 09, 2021 under News

May be an image of one or more people, people standing, flower and indoor

TINGNAN: Naghandog ng pulang mga rosas ang MRT-3 sa mga inang pasahero nito ngayong Mother's Day, ika-9 ng Mayo, 2021, bilang parangal at pagkilala sa tiyaga at sakripisyo ng mga ilaw ng tahanan.

Ani MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard Eje, ang pamimigay ng mga rosas ay simpleng pasasalamat ng linya na nawa'y nakapaghatid ng ngiti sa mga ina ngayong kanilang espesyal na araw.

"Ang araw ng mga nanay ay ginugunita isang beses sa isang taon. Pero dapat gunitain natin ito bawat oras dahil kung wala ang ating mga nanay, ay wala rin tayo sa mundong ito," sabi ni Asec. Eje.

Namigay ng mga rosas ang mga stations personnel ng MRT-3 ngayong ika-9 ng umaga sa North Avenue station, Cubao station, Shaw Boulevard station, Ayala station, at Taft Avenue station.