We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: BAGONG MGA MATERYALES SA PAGMIMINTINA NG DEPOT RAIL, DUMATING NA!

By King Al Mendoza on June 28, 2021 under News

No photo description available.

TINGNAN: Bagong mga materyales sa pagmimintina ng depot rail, dumating na!

Dumating na sa MRT-3 depot ang 247 units ng fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers mula sa bansang Japan na ipapalit sa mga lumang wooden sleepers sa riles sa depot.

Ginagamit ang FFU sleepers na pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito, tulad ng switches, turnouts, at crossings. Dahil synthetic, mas matagal ang lifespan ng materyal at less prone din sa weathering.

Ilalagay ang mga bagong FFU sleepers sa depot rail matapos ang pagpapalit ng mga lumang turnout. Mayroon ding ikalawang batch ng FFU sleepers na nasa 334 pieces na hinihintay pang dumating.

Ang pagsasaayos ng riles sa depot, kung saan inilalagi ang mga tren ng MRT-3, ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng rail line, katuwang ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.