We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
TINGNAN: 31 BAGONG CCTV CAMERAS, NAIKABIT NA SA SHAW BOULEVARD STATION!

By King Al Mendoza on April 29, 2021 under News

May be an image of text that says 'TINGNAN: 31 bagong CCTV cameras, naikabit na sa Shaw Boulevard Station! MetroRail Y.N fb @dotmrt3 www.dotrmrt3.gov.ph'

Nakapaglagay na ang pamunuan ng MRT-3 ng 31 bagong CCTV camera units sa Shaw Boulevard station, bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linya.

Makatutulong ang 24-hour CCTV cameras upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa anumang klase ng krimen, at mabantayan ang seguridad ng mga nasasakupang lugar ng linya.

Sa kabuuan, nasa 241 CCTV units na ang nailalagay ng pamunuan ng MRT-3 sa unang 11 istasyon nito: sa North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan, Ortigas, Shaw Boulevard, Boni Avenue, Guadalupe, Buendia, at Ayala. Samantala, tuloy-tuloy ang paglalagay ng mga CCTV cameras sa natitirang dalawang istasyon ng linya.

Katuwang ng MRT-3 sa equipment upgrade ng signaling at communications system ng linya ang maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.