We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
PINAPAYAGAN NG PAMUNUAN NG MRT-3 ANG PAGSAKAY NG MGA ALAGANG HAYOP SA LOOB NG TREN

By King Al Mendoza on July 12, 2021 under News

May be an image of dog and text that says 'MetroRail GOOD VIBES! Mga alagang hayop, pwedeng isakay sa loob ng tren ng MRT-3 dotrmrt3.gov.ph Photocourey Photo courtesy of Ms. Donna'

GOOD VIBES!

Ibinahagi ni DO N NA sa kanyang facebook post ang larawan niya kasama ang kaniyang cute na cute na pet dog sa loob ng tren ng MRT-3, noong ika-7 ng Hulyo 2021.

Magandang balita ito para sa mga pet lovers tulad ni DO N NA dahil pinapayagan ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsakay ng mga alagang hayop sa loob ng tren alinsunod sa panuntunan ng rail line.

Kinakailangan na nakalagay ang mga alagang hayop sa enclosed pet carrier na may sukat na hindi lalagpas sa 2ft by 2ft na laki.

Sa kabilang, pinapaalalahanan ng MRT-3 ang mga pasahero na panatilihing sundin ang "7 Commandments" kontra COVID-19, na batay sa rekomendasyon ng mga eksperto sa ukalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa pampublikong transportasyon.