We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
​PAALALA NI MARTY

By King Al Mendoza on May 10, 2021 under News

May be a cartoon

Para matiyak na ligtas ang iyong biyahe, laging gamitin ang TRAZE contact tracing app sa MRT-3.

Ang TRAZE ay gumagamit ng QR codes upang maitala ang biyahe ng pasahero, gayundin ang kanyang mga nakasalamuha. Dinisenyo ito upang iwas-contact sa ibang pasahero, dahil sa pagscan lamang ng QR codes sa mga istasyon at tren, ay awtomatikong narerecord ang isang biyahe.

Kapag nagkaroon ng exposure sa isang nagpositibo sa sakit na COVID-19, ang pasahero ay kaagad na makatatanggap ng notification, kaya madali rin siyang makapagse-self-isolate o quarantine.

Libreng mado-download ang TRAZE sa mobile app stores gaya ng Google Play, App Store, Samsung Galaxy Store, at Huawei AppGallery. Itinatakda na rin ito sa full system integration sa national contact tracing app na StaySafe.