We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
NAAALALA MO PA BA?

By King Al Mendoza on April 30, 2021 under News

c7ff88a1-3ed4-4a4d-8347-f1672393d614.jpg

'Yung mga panahong late ka na sa trabaho, #UsadPagong at napakabagal pa ng takbo ng mga tren ng MRT-3? 'Yung mga panahong nakaidlip ka na sa loob ng tren, hindi ka pa rin nakakarating sa pupuntahan mo? Sa sobrang bagal ng tren, nakatapos kana ng isang buong series ng K-drama.

IBA NA NGAYON!

Napakabilis at napakaswabe ng biyahe ng mga tren ng MRT-3! Mapapa-WOW kana lang sa real quick na travel time kapag sumakay ka. No more to 30kph, say yes to 60kph! Ganon lang, #SpeedLang! Ngayon, makapikit ka lang ng ilang segundo, nasa susunod na istasyon kana. Paalala lang namin sa mga pasahero: Iwasang makaidlip sa MRT-3, baka lumampas ka.