We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
NAAALALA MO PA BA?

By King Al Mendoza on April 29, 2021 under News

May be an image of indoor

Mabaho, madumi, maalinsangan, nakakadiri. Ganito kung ilarawan dati ang mga pampublikong palikuran ng MRT-3. Walang tubig, walang sabon, walang tissue, barado. Kasabay ng matagal na biyahe noon, hindi maiiwasan na maipon na ang ihi sa pantog at tawagin ng banyo. Pero imbes na mabigyang-ginhawa ang mga pasahero, perwisyo at pagtitiis ang nabibigay nito.

IBA NA NGAYON!

Mabango, kaaya-aya, malinis. Tila nahugasahan na ang dating imahe ng mga pampublikong palikuran sa MRT-3. Araw-araw nang nalilinis ang bawat banyo upang masiguradong ligtas at malinis itong magagamit ng mga pasahero. Pwede ka nang tumambay sa mga banyo kung gugustuhin mo. Hindi na rin nauubusan ng tubig dito. Kaya kung tinatawag ka na ni Mother Nature, #TiisNoMore! Gamitin na ang mga banyo ng MRT-3!